Medyo nahirapan ako sa panghuhula.

Periodical test namin kanina. Unang subject palang patay na agad utak ko. Pano kasi di ako nakapagreview ng matino. Hiniram ko lang bigla ung mga notebook ng classmate ko tapos sabay scan ng mabilis. Anak ng porkchop, wala kasi talaga akong kaalam alam. Di ako nakapagreview kasi kailangan kong tapusin ung project ko sa Trigo na paulit-ulit kong inulit dahil sa maraming kadahilanan ..

  •  Yung ginamit kong cartolina nung unang araw sa pag gawa ng proyekto sa loob ng silid aralan ay medyo lukot. Ayaw pa naman ng guro namin na lukot ang papel na ipapasa namin.
  • Wala akong ruler na dala. 
  • Wala akong lapis na dala.
  • Di ko pa nalagyan ng grid yung cartolina ko na dapat ay ginawa ko nung Sabado at Linggo.
  • Inulit ko yung ginawa ko nung una kasi nga lukot.
  • Natapos ko yung pag gi grid.Pinagplanuhan kong tapusin na lang kinabukasan.
  • Kinabukasan ng gabi .. pagkatapos kong kumain hinanap ko ang pinagpuyatan kong project at namatay ako nung makita kong nginangatngat ni Dylan (tuta namin) yung project ko na due na kinabukasan.
  • Kinabukasan ng kinabukasan : Di ako nagpasa. Minus 1 na bukas.
  • Kinabukasan ng kinabukasan ng kinabukasan which is NGAYON : Nagpasa na ko ng dalawang plates yung unang plate 96 ung grade na dapat 97 e minus 1 kaya 96 na lang. Yung pangalawa wag mo ng alamin .. maaawa ka lang. image